Pagpasa sa P5.268-Trillion 2023 proposed national budget, posible sa Kamara sa susunod na linggo

Pagpasa sa P5.268-Trillion 2023 proposed national budget, posible sa Kamara sa susunod na linggo

POSIBLENG sa susunod na linggo ay pasado na sa ikatlo’t huling pagbasa sa Kamara ang P5.268-Trillion 2023 proposed national budget.

Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, nakatutok ngayon ang Kongreso sa pagpasa sa lalong madaling panahon dahil ito ang unang working budget ng Marcos administration.

Kaya hanggang sa susunod na linggo ay itutuon nila sa Kamara ang buong atensyon para maaprubahan at maipasa sa Senado ang panukalang pambansang pondo.

Diin pa ng majority leader, nakagaan sa kanilang trabaho ang pagkakapasa kamakailan sa third reading ng SIM Card Registration Bill at postponement ng 2022 Barangay and SK Elections kaya mas mapagtutunan nila ng pansin ang budget bill.

Sa pagtaya ni Dalipe, Miyerkules sa susunod na Linggo, September 28 ay matatapos na ang plenary debate para sa General Appropriations Bill.

Follow SMNI NEWS in Twitter