MULING pinaiimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpaslang kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Executive Wesley Barayuga.
Ito’y matapos ibunyag ni Police Lieutenant Colonel Santie Mendoza sa isang pagdinig sa Kamara na inutusan ito nina National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo at dating PCSO General Manager Royina Garma na patayin si Barayuga.
Inatasan ngayon ng PNP and Criminal Investigation and Detection Group na pangunahan ang imbestigasyon.
Si Barayuga ay pinagbabaril-patay ng isang lalaking naka-motor noong Hulyo 30, 2020 sa Mandaluyong City.