Pagpasok ng mga dayuhang investor sa bansa, pinagaan ni PBBM

Pagpasok ng mga dayuhang investor sa bansa, pinagaan ni PBBM

ISANG executive order ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na magpapagaan sa pagpasok ng investments sa bansa.

Ayon sa Anti-Red Tape Authority (ARTA), sobrang laki ng nawawala sa kaban ng bayan mula sa foreign investors na umaatras na mag-negosyo sa bansa.

Mula ito sa iba’t ibang dahilan tulad ng red tape o ang mabagal na proseso sa gobyerno.

Dagdagan mo pa ng korupsiyon sa mga ahensiya ng pamahalaan.

“Ako po ay sigurado na millions and billions ang nawawala sa kaban ng bayan kung patuloy ang red tape at corruption,” pahayag ni Sec. Ernesto Perez, Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Kaya para hindi masayang ang pagpasok ng foreign investments, isang solusyon ang nilatag ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa isang hotel sa Pasay ay pinangunahan ng Pangulo ang launching at covenant signing ng Executive Order No. 18.

Lilikha ang EO ng green lanes para mapabilis ang licensing at permiting ng mga dayuhang investor.

“And so when we say that there will be one avenue, one lane, one green lane, is that we establish a system whereby our potential investors will go to the DTI, will go to ARTA, will go to wherever the appropriate department is, that department will then take on that load and say whenever you have – we will be the ones to call our counterparts in the other departments,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

At kung dati, idi-dribble ka sa iba’t ibang ahensiya sa pag-aaplay ng permit, ngayon, saad ng Pangulo.

“We will go there, get the documentary requirements, get the signatures that are needed. And anytime that you have a problem, you come to one person, you have one person, one agency, that you will talk to. And we will take care of it from our end,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Patuloy aniya na imo-monitor ni Pangulong Marcos ang resulta ng green lanes.

Katunayan, magtatayo ng One-Stop-Action-Center for Strategic Investments ang DTI Board of Investments bilang single entry point sa lahat ng qualified projects at investments.

Kasabay niyan ang paglulunsad ng electronic submission at issuances ng clearances, permits, payments, certifications at iba pang documentary requirements.

Para naman sa kompanyang SunAsia, mainam ang programa ng Pangulo.

Lalo na’t sakop nito ang halos lahat ng mga ahensiya ng gobyerno.

“Very important siya kasi meron tayong tinatawag na cost of money? Na kapag naglagay ka ng iyong investment siyempre kailangan mong gastusin para naman matayo mo ‘yung project mo. Eh nagtatagal ng nagtatagal ‘yun so ‘yung cost of money mo medyo tumataas,” pahayag ni Tetchi Capellan, President and CEO, SunAsia Energy Inc.

“It covers national government agencies, GOCCs at saka LGUs. So lahat covered except judiciary and legislation,” ayon kay Sec. Ernesto Perez, Anti-Red Tape Authority.

Follow SMNI NEWS on Twitter