ISINULONG ngayon sa Senado ang pagpasa ng panukalang batas na magpapataw ng buwis sa digital services tulad ng Netflix, Disney Plus at iba pa.
Sa pahayag ni Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Ways and Means ay maaaring makakolekta ang pamahalaan dito nang hanggang P145-B buwis mula sa taong 2024 hanggang 2028.
Ayon kay Gatchalian, ang pag-subscribe sa mga local digital services ay may buwis pero sa ilalim ng kasalukuyang batas ay hindi sakop ang mga foreign digital services tulad ng Netflix.
At ito aniya ngayon ang nakapaloob sa kanilang panukalang batas para maalis ang naturang gap at makapagbayad ng buwis ang mga dayuhang kompanya.
Nauna nang ipinaliwanag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi makapangolekta ang ahensiya ng VAT mula sa digital services dahil sa kawalan ng mga ito ng physical presence sa bansa.