Pagpatay sa estudyante ng Ateneo sa Naga, kinondena

Pagpatay sa estudyante ng Ateneo sa Naga, kinondena

KINONDENA ng Ateneo de Naga University (ADNU) community ang pagpatay sa isang senior high school student na naiulat na nawawala noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Irish Mae Payonga Grade 12 student na natapuang patay sa isang madamong lote sa Pili, Camarines Sur.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay si ADNU President Fr. Robert Rivera sa mga pamilya ng nasawing estudyante at nangako ng tulong mula sa paaralan.

Tinuligsa naman ng ADNU’s Supreme Student Government (SSG) ang pagkamatay ni Irish at nanawagan na arestuhin ang pumatay sa kanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter