TINITIYAK ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat mabigyan ng hustisya ang isang Pinay OFW na si Mary Ann Daynola na pinaslang sa Abu Dhabi, UAE nito pang nakaraang taon.
Kung matatandaan nitong Sabado ay naiuwi na sa bansa ang labi ng tatlumpung taong gulang na si Maryann sa kanilang lugar sa Pasig City kung saan humihingi nga hustisya ang pamilya at mga kaanak ng Pinay worker.
Ayon kay Sec. Bello hinihiling ng mga kaanak ng biktima na isagawa ang DNA test sa labi ng OFW upang tiyakin na ang naiuwing bangkay ay mismong si Mary Ann Daynola.
Kung saan hinukay pa ang katawan ng biktima matapos natagpuan ng police authorities ng UAE na ang nawawalang Pinay worker ay inilibing ng mga suspek bago ito dinala sa bansa.
Bukod pa dito ayon din kay Bello magsasagawa din ng autopsy sa labi ni Maryann.
Paliwanag ni Bello taong 2018 si Mary Ann ay nagpunta sa UAE bilang isang turista at hindi nagtagal nagkaroon sya ng employment contract at naging aktibo bilang miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na binerepika naman ng labor attache sa Abu Dhabi.
Nitong March 2020, biglang nawala si Mary Ann na isang receptionist sa isang hotel sa Abu Dhabi.
Nangyari ang pagkawala ng dalaga sa kasagsagan na ng pandemya.
Pero nito lamang din taon ayon kay Bello dahil sa ginawang masusing imbestigasyon ay napaamin ng mga otoridad ang suspek na pinaslang si Daynola sa leeg gamit ang kutsilyo.
Sa ngayon ayon kay Bello nakakulong na ang suspek pero pinaghahanap pa ng mga otoridad ang dalawa pang taong tumulong sa suspek para ilibing si biktima sa may paligid lamang ng hotel.
Pero sa kabila nito may pagdududa din si Bello na si Mary Ann ay mas bata pa kumpara sa edad na trenta y años.
Gayunpaman, ayon kay Bello dahil sa nangyari sa yumaong Pinay worker ay tinitiyak pa rin ng kalihim na hindi pa rin masisira ang relasyon ng UAE at ng Pilipinas.