Pagpili ng kwalipikadong Pangulo, mas naging madali sa pamamagitan ‘The Deep Probe’ ng SMNI

Pagpili ng kwalipikadong Pangulo, mas naging madali sa pamamagitan ‘The Deep Probe’ ng SMNI

MAS magiging madali para sa mga botante ang pagpili kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa Pilipinas sa pamamagitan ng ‘The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview’.

Ito ang komento ng ilang dumalo sa naturang event.

Natunghayan ng sambayanang Pilipino ang The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview na talaga namang inabangan ng taumbayan.

Excited na dumating ang mga panauhin  sa The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidates Interview sa Okada Manila.

Ayon sa ilan nating mga nakausap, dito na nagkaalaman kung sino sa mga kumakandidato sa pinakamataas na posisyon ng pamahalaan ang may tunay na kakayahan at may malalim na kaalaman sa pagtugon sa iba’t ibang usapin at problema ng bayan.

Anila, sa pamamagitan ng naturang programa, natulungan silang nakapagdesisyon kung sino ang karapatdapat na mailuklok sa puwesto dahil naging malalim, matalino at seryoso ang naging usapan sa The Deep Probe.

Nauna nang sinabi ng mga batikang panelists kabilang si University of the Philippines Political Science Professor at Political Scientist, Professor Clarita Carlos; Telecommunication and Franchise Lawyer at seasoned lawmaker Atty. Rolex Suplico, Chairman and CEO ng The Manila Times, Dante ‘Klink’ Ang II at Sass Rogando Sasot na magiging kakaiba ang The Deep Probe ng SMNI kumpara sa naunang presidential debates, forum at interviews.

Sinabi din ni Pastor Apollo C. Quiboloy na susuriin at kikilatisin ang mga presidential candidates at dito magkakaalaman kung sino sa kanila ang may kakayahan, kaalaman at may karapatang tumanggap ng boto mula sa matatalinong botanteng Pilipino.

 

Follow SMNI News on Twitter