Pagpopondo sa mas mataas na social pension ng seniors, tiniyak ni Angara

Pagpopondo sa mas mataas na social pension ng seniors, tiniyak ni Angara

TINIYAK ni Senator Sonny Angara na ang pagpopondo para sa mas mataas na social pension para sa mga mahihirap na senior citizen ay sinisiguro sa ilalim ng P5.268-T General Appropriations Act (GAA) para sa 2023.

Ayon kay Angara, may 4.1 milyong indigent seniors ang makakatanggap ng P12,000 bawat isa sa social pension ngayong taon sa ganap na pagpapatupad ng Republic Act 11916, para sa kanilang pang-araw-araw na subsistence at medical na pangangailangan.

Dagdag pa nito na sinisiguro niya na mapopondohan sa 2023 budget ang pagtaas sa monthly social pension ng mga indigent senior citizens.

Follow SMNI NEWS in Twitter