Pagpulbos sa rebeldeng grupo, sinang-ayunan

Pagpulbos sa mga rebeldeng grupo, sinang-ayunan ni Sec. Hermogenes Esperon Jr. Sa kabila nang panawagan ng iilang grupo ng vaccine cease fire, tuloy-tuloy pa rin ang laban ng gobyerno kontra mga rebeldeng grupo gaya ng New People’s Army ayon sa utos ni pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang bagay na sinang-ayunan ni National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon Jr sa Laging Handa public brieifing.

“Sa talumpati ng ating pangulo ay nabanggit niya na ubusin na lahat ang npa, at huwag tayong mag-alala sa human rights. tama naman ‘yon dahil armado ‘yang mga npa na ‘yan ay alangan namang ang isipin mo pa ay human rights”.

Paglilinaw ni Sec. Esperon may shoot to kill order na ang pangulo para sa pagpulbos sa mga rebeldeng grupo lalo na kung mayroon itong dalang armas.

Dagdag pa ni sec. Esperon, nagbalik-loob na sa gobyerno ang aabot sa mahigit 14,300 na mga rebelde simula 2016 hanggang 2020.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.