Pagpuna ni Sen. Imee sa hakbang ng gobyerno sa tensiyon sa WPS, patunay na may mali sa polisiya ni PBBM—Roque

Pagpuna ni Sen. Imee sa hakbang ng gobyerno sa tensiyon sa WPS, patunay na may mali sa polisiya ni PBBM—Roque

IKINATUTUWA ng international law expert na si Atty. Harry Roque ang pagpuna ni Sen. Imee Marcos sa polisiya ng administrasyon sa nagpapatuloy na tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).

Hinggil ito sa sinabi ng senadora na nagtatapang-tapangan lang ang pamahalaan at tila nag-uudyok pa ng giyera kontra China pagdating sa usapin ng WPS.

Ayon kay Senadora Imee, hindi dapat susugod sa giyera ang Pilipinas na walang dalang sandata.

Batay nga sa report ng Commission on Audit (COA) ay bigong makapag-produce ang government arsenal ng Department of National Defense ng sapat na armas at bala.

Maging si Atty. Roque ay naniniwalang hindi sapat ang kakayahan ng Pilipinas na makipag-giyera sa China.

Kinuwestiyon naman ni Roque ang mga pumupuna sa kaniya at sa iba pang nagnanais ng mapayapang pagresolba sa tensiyon sa WPS.

Aniya, maging ang Super Ate ay naniniwala na ang maayos at mapayapang pakikipag-usap ni PBBM at China ang susi para masolusyunan ang lumalalang tensiyon sa WPS.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble