MATAGUMPAY ang pagbisita ng delegasyon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Open Doors Monument sa Holocaust Memorial Monument sa Rishon LeZion, Israel upang mag-alay ng bulaklak bilang pag-alala sa mga naging biktima ng holocaust noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Pinangunahan din ni Philippine Ambassador to the Israel Pedro Laylo, Jr. ang pagtatanim ng puno sa ginagap na tree planting event.
Kung maaalala, si Pres. Manuel Quezon ay nagbigay ng visas sa mahigit 1,200 Jewish refugees noong 1939 na isa sa mga dahilan ng maayos na relasyon sa bansang Israel.