Pagpupuslit ng mga itlog papuntang US, tumataas dahil sa mahal na presyo sa merkado

Pagpupuslit ng mga itlog papuntang US, tumataas dahil sa mahal na presyo sa merkado

TUMATAAS ang bilang ng mga nagpupuslit ng mga itlog o egg smuggling sa border ng Estados Unidos at Mexico dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga itlog sa mga pamilihan ng Amerika.

Naglipana kamakailan ang meme sa Amerika ng mga itlog dahil sa mahal na presyo nito kamakailan.

“Egg-flation” phenomenon ang tawag dito. Tumaas kasi ang bentahan ng itlog na aabot sa $4.25 per dozen o 230 pesos kada dosena, habang ang presyo naman nito ay aabot lang 3.40 dollars per dozen sa Mexico na kapitbahay lang nito.

Kaya naman, tumaas din ng 108% ang mga itlog at iba pang poultry products na nasamsam ng U.S. Customs and Border Protection (CBP), ports of entry ng US-Mexico border na iligal na pinuslit papuntang Amerika.

Tumaas ang mga presyo sa itlog dahil sa malawakang pagdami ng bird flu sa buong Estados Unidos.

Apektado ng bird flu ang humigit-kumulang 58 milyong ibon, apat na 30 milyon sa mga ito ay mga inahing manok na kinailangang katayin upang maiwasan ang pagkalat ng bird flu.

Nagbabala naman si Jennifer De La O, direktor ng field operations para sa San Diego border na lungsod ng US at Mexico sa mga taong nagtatangkang magpuslit ng itlog mula Mexico papuntang Estados Unidos dahil may kaukulang panganib itong dala at multa.

“The #sandiegofieldoffice is reminding the traveling public to be mindful that certain agricultural items such as raw eggs and poultry from Mexico are prohibited from entry into the U.S., and failure to declare these items may result in monetary penalties,” ayon kay Jennifer De La O, Director of Field Operations, San Diego border.

Ipinagbabawal ang pagdadala ng mga manok, at iba pang mga produkto tulad ng mga itlog, sa Estados Unidos dahil nagbabanta ito ng panganib sa kalusugan.

Ang mga multa para sa iligal na pagdadala ng itlog sa Amerika ay papalo sa $300 at hanggang $10,000, o P16,000 hanggang kalahating milyong piso na multa.

Ang mga presyo ng itlog sa Estados Unidos ay tumaas sa 60% at nililimitahan ng ilang mga grocery stores kung ilang karton lang ang mabibili ng bawat mamimili.

Follow SMNI NEWS in Twitter