Pagresolba sa mga extra judicial killings at iba pa, sinisikap na tapusin na

Pagresolba sa mga extra judicial killings at iba pa, sinisikap na tapusin na

SINISIKAP na tapusin na ang pagresolba sa mga extra judicial killings at iba pa.

Iginiit at tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na seryoso ang pamahalaan sa pagprotekta sa karapatang pantao ng bawat isa.

Kaugnay nito’y nanindigan din ang DOJ na ginagawa nila ang lahat para matuldukan o tapusin na ang extra-judicial killings at iba pang uri ng mga karahasan.

Bahagi na aniya ito ng ginagawang reporma ng gaya ng pagpapanagot sa mga tiwaling law enforcers at pagpapalakas sa criminal justice system ng bansa.

Ayon pa sa DOJ, walang shortcut sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan kaya’t nararapat lamang na dumaan ang lahat sa rule of law para maprotektahan ang karapatan ng bawat tao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble