Pagsabog sa bansang Equatorial Guinea 20 patay, mahigit 600 sugatan

Pagsabog sa bansang Equatorial Guinea 20 patay, mahigit 600 sugatan. Labinlima katao na ang nasawi habang daan-daan naman ang sugatan sa serye ng pagsabog sa bansang Equatorial Guinea sa Bata City ng Central Africa.

Ayon sa Health Ministry sa syudad ng Bata city , sumabog ang mga nakaimbak na dinamita o pampasabog sa barracks ng militar.

Sinabi naman ni Equatorial Guinea President Teodoro Obiang Nguema, sinusunog ng mga magsasaka ang mga sakahan na nasa palibot ng barracks at posible aniyang umabot ito sa imbakan ng mga pampasabog.

Halos lahat aniya ng kabahayan at mga gusali sa syudad ng bata ang napinsala sa mga pagsabog.

 

Dahil dito, nanawagan ngayon ang pamahalaan ng tulong sa International Community.Partikular na hiniling naman ng health ministry ang mga donasyong dugo dahil sa dami ng bilang ng mga casualty na pumupuno na ngayon sa mga hospital ng Bata City.

SMNI NEWS