NAGLAHAD ng pananaw ang National Economic and Development Authority (NEDA) ukol sa pagsadsad ng halaga ng piso kontra US dollar.
Sa datos mula sa Bankers Association of the Philippines (BAP) umabot pa sa P58 ang trading sa dolyar kumpara sa pagsasara nitong Martes sa P57.48.
Kaugnay nito, sinabi ni NEDA Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon na umaasa silang pansamantala lamang ito.
Sa pagtaya ng NEDA, inaasahan ng ahensya na magkakaroon ng stabilization ng piso laban sa US dollar pagsapit ng Nobyembre o Disyembre.
Saad ni Edillon, ito ay kapag maraming pumasok na holiday remittances at pamasko na padala na makatutulong na magpapalakas ng piso.
Sa kabilang banda, malaki naman ang magiging advantage ng domestic producers sa gitna ng paghina ng piso.
Pahayag ng NEDA, magagamit din ng local manufacturers at exporters ang kahinaan ng piso ng Pilipinas para makuha ang mas maraming market share sa international market.