IPINAUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang pagsagot sa kautusan ng International Criminal Court (ICC) na magkomento ang Pilipinas sa isyu ng extra judicial killings sa bansa.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakatakda nang maglabas ng pahayag si Solicitor General Menardo Guevarra sa naturang isyu.
Gayunman ay agad na nilinaw ng DOJ na ang magiging laman ng liham o tugon ay para lamang magsilbing paalala sa ICC na wala na silang hurisdiksyon sa Pilipinas at iginiit na gumagana naman ang mga korte sa bansa.
Magugunitang tumiwalag na ang Pilipinas bilang miyembro ng ICC noong panunungkulan ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.