Pagsalubong sa Bagong Taon sa Central Luzon, mapayapa

Pagsalubong sa Bagong Taon sa Central Luzon, mapayapa

SA kabuuan, maituturing na mas mapayapa ang pagsalubong ng taong 2025 matapos maitala ang 62 insidente ng mga paputok, mas mababa kumpara sa 185 insidente noong nakaraang taon.

Sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office (PRO) 3 laban sa mga ilegal na paputok, matagumpay na nakumpiska ng mga awtoridad ang 43,041 piraso ng mga ilegal na paputok na may kabuuang halaga na P766,323.

Ayon kay PRO3 Director PBGen. Redrico A Maranan, bunga ito ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas ukol sa mga paputok, mas malawak na impormasyon na ibinigay sa publiko hinggil sa mga panganib na dulot nito at pagkakaisa ng komunidad at ng PNP sa pagsusulong ng kaligtasan.

Wala ring nasangkot na miyembro ng PRO3 PNP at AFP sa indiscriminate firing at illegal discharge of firearms, ito’y sa kadahilanan na rin sa mahigpit na bilin ng Regional Director na kailanma’y ang baril ay hindi kasama sa pagsalubong sa Bagong Taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble