Pagsama ng blending learning sa basic education system, pinag-aaralan –DepEd

Pagsama ng blending learning sa basic education system, pinag-aaralan –DepEd

PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) na ma-institutionalize ang pagpapatupad ng “blended learning.”

Sa press conference, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na isa ito sa nakikitang solusyon sa gitna ng kakulangan ng silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Poa, taon-taon ay tumataas ang bilang ng enrollees ngunit marami namang paaralan ang napipinsala ng mga kalamidad.

Nito lamang nagdaang Bagyong Karding, pumalo sa 165 paaralan ang napinsala kung saan 385  classrooms dito ang totally damaged.

 

 

Follow SMNI News on Twitter