Pagsasaayos ng mekanismo ng pagkontrol ng baha, natalakay sa situation briefing ni PBBM sa Maguindanao

Pagsasaayos ng mekanismo ng pagkontrol ng baha, natalakay sa situation briefing ni PBBM sa Maguindanao

NAPAG-USAPAN sa situation briefing sa Maguindanao ang pagsasaayos ng mekanismo ng pagkontrol ng baha kasunod ng naging epekto ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

Ngayong araw ng Martes, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Natalakay ang mga naisagawa at susunod pang mga tugon sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa rehiyon.

Napag-usapan din sa briefing ang patuloy na pagpapaigi sa prepositioning ng tulong gaya na lamang ng mga rescue team at food packs, maging ang pre-emptive evacuation sa mga high-risk na lugar at pagkontrol ng baha.

Follow SMNI NEWS in Twitter