Pagsasaayos ng political system ng bansa, solusyon sa panukalang pagpaparusa ng balimbing na politiko

Pagsasaayos ng political system ng bansa, solusyon sa panukalang pagpaparusa ng balimbing na politiko

ISAAYOS ang political system ng bansa.

Ito ang naging suhestiyon ni political analyst at Professor Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News kaugnay sa panukala na papatawan ng parusa ang mga palipat-lipat na mga politiko.

Kamakailan ay itinutulak ni former president at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na parusahan ang mga balimbing sa politika.

Saad pa ng propesora, posibleng hindi makalulusot ang nasabing panukala dahil ang tatamaan ay ang mga politiko.

Samantala, batay sa House Bill No. 488 ni Arroyo, otomatikong tanggal sa pwesto ang mga balimbing na kandidato kung lilipat ito ng partido isang taon matapos o bago ang eleksyon.

Pagbabawalan din itong tumakbo sa anumang posisyon sa paparating na halalan bukod pa sa pagbabawal na matalaga sa anumang posisyon sa loob ng 3 taon.

Hindi rin sila maaaring humawak ng posisyon sa lilipatang partido at kailangang ibalik ang lahat ng ginastos o ibinigay sa kanya ng iniwanang partido kasama ang 25% surcharge.

 

Follow SMNI News on Twitter