Pagsasabatas ng medical marijuana, maaring maabuso –anti-drug advocate

Pagsasabatas ng medical marijuana, maaring maabuso –anti-drug advocate

PINANGANGAMBAHAN ngayon ng isang kilalang anti-drug advocate na baka maabuso ang paggamit ng medical marijuana sakaling ito’y maisabatas.

Nakapaloob sa isinusulong na House Bill 6783 ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na tanggalin sa listahan ng iligal na droga ang paggamit ng marijuana dahil maaari aniya itong magamit na medisina at mapapataas nito ang income ng pamahalaan sa pamamagitan ng buwis.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay People’s Volunteer Against Illegal Drugs, founder retired Colonel Rodrigo Bonifacio, sinabi nito na hindi ito basta-basta na ipatupad.

Dapat aniya magsagawa muna ng masusing medical research ang mga kinauukulan kaugnay rito.

Aniya hindi siya tutol kung ang layunin ng nabanggit na panukala ay para magamit na medisina ngunit natatakot ito na baka ito’y maabuso.

Dagdag pa ni Bonifacio, kung magkataon na ito’y maisabatas, kailangan ng matinding monitoring at paghihigpit sa pag-regulate nito para hindi magamit sa maling paraan.

Inihalimbawa pa nito ang ibang bansa na naunang nagpatupad nito na hindi naging matagumpay sa pagpapatupad ng regulasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter