HINDI pabor si Dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo sa pagnanais umano ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maisabay ang plebisito sa pagbabago ng Saligang Batas (Charter Change) sa 2025 Midterm Election.
Nitong Martes, Pebrero 27 nang kinumpirma ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagnanais ni Pangulong Marcos na ito upang makatipid sa gastos sa pagsasagawa ng plebesito.
Para naman kay Panelo, dapat bigyan ito ng mas mahabang panahon upang maipaliwanag ito sa publiko ng mas maigi.
Dagdag pa nito, kung isasabay ito sa darating na eleksiyon ay kulang na kulang na ito sa panahon at posibleng magdulot aniya ito ng kalituhan sa mga botante.
Ang plano namang ito ni Pangulong Marcos ay malayo sa timeline ng Kamara na matapos ang plebesito sa Hulyo bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos.