Pagsasagawa ng plebisito tungo sa Cha-Cha, kailangan ng P13-B

Pagsasagawa ng plebisito tungo sa Cha-Cha, kailangan ng P13-B

KINAKAILANGAN ng P13-B para isagawa ang plebisito tungo sa Charter Change (Cha-Cha) ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Ibig sabihin, ayon kay COMELEC Executive Director Teofisto Elnas, Jr. posibleng magkaroon ng financial crisis kung ipipilit itong gawin ngayong taon.

Marami anilang paggagamitan ng pondo gaya ng 2025 Midterm Elections, maging ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Subalit, kung sakali ring matuloy ang plebisito ay huwag isagawa sa Oktubre ngayong taon ayon sa COMELEC dahil magsisimula na ang filing of candidacy hanggang Disyembre.

Pagpasok naman ng Enero hanggang Abril 2025 ay preparasyon na nga ito para sa midterm polls.

Para sa poll body, mainam na gawin ang plebisito tungo sa pagkakaroon ng Cha-Cha sa taong 2026 kung saan tapos na ang halalan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble