Pagsasailalim sa Witness Protection Program ng 3 key witness laban sa PhilHealth, inirekomenda

Pagsasailalim sa Witness Protection Program ng 3 key witness laban sa PhilHealth, inirekomenda

PORMAL nang nirekomenda ni Senate President Vicente Sotto III na mapasailalim sa Witness Protection Program ang tatlong testigo kaugnay sa katiwalian sa PhilHealth.

Kabilang dito sina dating PhilHealth Anti-Fraud Officer na si Thorsson Montes Keith, PhilHealth board member Alejandro Cabading, at dating Head Executive Assistant Etrobal Laborte.

Binigay ang rekomendasyon sa tatlo matapos humiling ang tatlo ng proteksyon sa Senate Committee of the Whole dahil sa pangamba sa kanilang seguridad kasunod ng kanilang ginawang pagbubunyag.

Inatasan naman ni Senate Committee of the Whole Chair Vicente Sotto III ang Senate secretariat na pormal na ipadala kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang inaprubahang rekomendasyon na mapasailalim ang tatlo sa Witness Protection, Security and Benefit Program ng DOJ alinsunod sa Republic Act 6891.

Bago naman ito, una na ring inaprubahan ng Komite ang hiling na legislative immunity ng mga tatlong testigo.

Matatandaan na hiniling ng mga testigo ang legislative immunity matapos magbanta ang mga PhilHealth official na gagawa ng legal action laban sa tatlo matapos sabihin ng mga ito na ang execom ang mafia o sindikato sa PhilHealth.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.