Pagsasampa ng panibagong reklamo vs suspended BuCor chief Bantag, ipinaubaya na sa DOJ

Pagsasampa ng panibagong reklamo vs suspended BuCor chief Bantag, ipinaubaya na sa DOJ

NILINAW ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) na nasa kamay na ng Department of Justice (DOJ) ang pagdedesisyon kung isasampa na ba ang reklamo laban kay suspended BuCor Director General Gerald Bantag at iba pang mga opisyal.

Ang nakaambang reklamo ay kaugnay sa sinasabing maanomalyang proyekto sa mga itinatayong pasilidad ng BuCor sa Palawan at Davao.

Nauna rito ay nadiskubre ni BuCor OIC Gregorio Catapang Jr. na mayroon umanong katiwalian sa ipinapatayong mga gusali dahil 65% pa lang ng proyekto ang natatapos gayung 95% na ng pondo ang nailabas.

Pinondohan pa ito ng 300 million pesos ang bawat proyekto.

Iginiit ni Catapang na dapat may managot sa batas kaugnay sa sinasabi niyang maanomalyang proyekto kaya ipinarating na niya ang impormasyon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter