Pagsasapubliko sa ulat ng mga opisyal na sangkot umano sa iligal na droga, ipinauubaya kay PBBM

Pagsasapubliko sa ulat ng mga opisyal na sangkot umano sa iligal na droga, ipinauubaya kay PBBM

IPINAUUBAYA na ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung isasapubliko ang ulat kaugnay sa mga opisyal na sangkot umano sa iligal na droga.

Ginawa ni Acorda ang pahayag sa kaniyang unang beses na pagharap sa media matapos ang Command Conference sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay Acorda, nasa desisyon na ni Pangulong Marcos kung papangalanan ang mga opisyal na sangkot umano sa iligal na gawain.

Nabatid na ngayong araw isusumite ang ulat ng 5-man advisory group sa third-level officers na nagsumite ng courtesy resignation bilang bahagi ng internal cleansing sa PNP.

Mula sa 953 police colonels at police generals ay 917 ang cleared habang 36 ang dadaan pa sa pagbusisi ng National Police Commission (NAPOLCOM).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter