Pagsasara ng northbound lane ng Roxas Blvd.-EDSA flyover, nagdulot ng matinding trapiko

Pagsasara ng northbound lane ng Roxas Blvd.-EDSA flyover, nagdulot ng matinding trapiko

USAD-pagong ang mga sasakyang patungong northbound sa Roxas Boulevard service road nitong araw ng Miyerkules.

Pansamantalang isinara ang northbound lane ng EDSA flyover sa Roxas Boulevard na nagsimula nitong 12:00 ng tanghali ng Disyembre 26.

Sabi ng ilang motorista, nagulat sila sa nasabing pagsasara na anila ay perwisyo dahil isinabay sa pagbabalik ng mga trabaho.

Ang pagsasara ng northbound lane ng nasabing flyover ay para magbigay daan sa pagkakabit ng South Manila District Engineering Office sa dalawang natitirang expansion joints ng flyover dahil sa nasirang bahagi nito.

Tatagal ang pagkukumpuni hanggang Disyembre 30.

Bahagi ito ng nagpapatuloy na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kumpunihin ang mga permanenteng tulay at EDSA flyovers.

Para sa mga patungong northbound ay maaari munang dumaan pansamantala sa Roxas Blvd.-EDSA flyover service road.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble