PINALILIMITAHAN ng PNP ang pagsasayaw ng mga pulis sa TikTok o alinmang social media platforms.
Ito’y sakaling lumalabag na anila sa ethical standards ng organisasyon o naglalagay sa kahihiyan sa buong PNP.
Kaugnay ito sa usapin ng pagpapahayag ng mga pulis ng kanilang prinsipyo laban sa PNP at sa pamahalaan, na bawal sa kanilang panuntunan.
Matatandaang mayroon nang mga nasampolan dito gaya ni Patrolman Francis Steve Fontillas ng QCPD, na nahaharap ngayon sa kasong inciting to sedition at paglabag sa Anti-Cybercrime Regulation Act.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bawal ang mga pagpapahayag ng saloobin laban sa organisasyon at sa gobyerno sa ilalim ng non-partisan policy nito, pero pabor sila sa pagsasayaw sa TikTok ng mga nakaunipormeng pulis basta’t hindi ito nagbibigay ng kahihiyan sa kanilang hanay.