Pagsibak kay Rep. Zaldy Co sa House Appropriations Panel, ikinatuwa ng netizens

Pagsibak kay Rep. Zaldy Co sa House Appropriations Panel, ikinatuwa ng netizens

MAYNILA – Nagdiwang ang maraming netizens sa social media matapos matanggal si Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co bilang Chairperson ng House Committee on Appropriations.

Iminungkahi ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos na bakantehin ang posisyon, at inaprubahan naman ito ni House Speaker Martin Romualdez.  Opisyal na tinanggal si Co noong Lunes, Enero 13, 2025, sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.

Sa isang pahayag noong Lunes din, sinabi ni Co na kusang-loob siyang bumaba sa posisyon upang unahin ang kanyang kalusugan. Gayunpaman, naniniwala ang ilang netizens na ito ay paraan lamang upang maiwasan ang kahihiyan matapos ang pagpapatalsik sa kanya.

Naging kontrobersyal si Co noong 2024 dahil sa mga kwestyunableng paggagamitan umano ng pondo para sa 2025 budget.  Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang opinyon sa social media, gaya ng mga sumusunod:

“Drama lang ‘yan. Nag-resign. Magagamit na naman nila ang iba para makaiwas sa batikos.”

 “…bakit nag-resign lang sa komite? Kung kalusugan talaga ang dahilan, dapat sa pagka-kongresista siya nag-resign. Nag-resign ba talaga siya o tinanggal? Dapat mag-resign na rin o bumaba na sa pagka-Speaker si Romualdez.”

Itinanggi naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may kinalaman ang kasalukuyang administrasyon sa pagkatanggal kay Co.

Noong mga unang buwan ng 2024, nagkaroon din ng pagtatalo sina Co at Senator Joel Villanueva.  Ipinaalala ni Villanueva ang umano’y kwestyunableng track record ni Co dahil sa pagkakadawit nito sa Pharmally scandal.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter