PAGSS, kinilala sa kahusayan sa serbisyo sa paghawak ng mga airline

PAGSS, kinilala sa kahusayan sa serbisyo sa paghawak ng mga airline

MAGANDA ang pagdiriwang ng pagtatapos ng taon para sa Philippine Airport Ground Support Solutions, Inc. (PAGSS) na nangungunang tagapagbigay ng ground support services sa mga airline sa bansa.

Kamakailan lamang, pinuri ng Japan Airlines Station, ang PAGSS kasama ang iba pang mga kasosyo dahil sa pagkamit ng zero ramp incidents sa loob ng 10 magkakasunod na taon sa kanilang Manila Station.

Kinilala rin ng Qantas Airways Ltd. ang PAGSS para sa kanilang “outstanding service delivery” dahil sa kanilang natatanging pagganap sa operasyon sa paliparan.

Bukod rito, para sa patuloy na dedikasyon sa pagpapanatili ng kalikasan, ang air France-KLM Royal Dutch Airlines (AF-KL) ay nagtapos kamakailan ng kanilang sustainability competition kung saan ang PAGSS Manila Station ay pinarangalan at ginawaran ng grand prize para sa AF-KL International Stations Social Award for Sustainability na nagkamit ng iba’t ibang parangal.

Bagama’t ilan lamang ito sa mga nakamit na parangal ngayong taon, nagpapakita ito ng dedikasyon at kadalubhasaan ng PAGSS sa pagsuporta sa kanilang mga kasosyo sa airline sa pamamagitan ng de-kalidad na mga serbisyo sa paghawak ng mga eroplano.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter