Pagsuot ng face mask sa bahay, ipinanukala ni DILG Sec. Año

Pagsuot ng face mask sa bahay, ipinanukala ni DILG Sec. Año

PINANUKALA ni Department of the Interior and Local Government ang pagsusuot ng face mask kahit sa loob ng bahay lalo na sa pamilyang hindi naoobserbahan ang social distancing.

Ayon kay Sec. Eduardo Año, nagkakaroon na nang hawaan ng virus sa loob ng bahay kung kaya’t dapat magsuot ng face mask at face shield sa loob ng bahay.

Payo ni Año, dapat ugaliin ang physical distancing at pagsusuot ng mask lalo na ang mga authorized persons outside of residence para ‘di makahawa sa ibang miyembro ng pamilya.

Matatandaang, inilahad ni National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na tinaguriang critical area ang mga lugar na pinagtatrabahuan at mga matataong lugar.

FOLLOW: SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.