Pagsupil sa mga taong panig sa gobyerno, kinuwestiyon ni Atty. Roque

Pagsupil sa mga taong panig sa gobyerno, kinuwestiyon ni Atty. Roque

KINUKWESTIYON ni Atty. Harry Roque ang palaging nangyayari na kung ang panig sa pamahalaan ang nagsasalita, sinusupil ang kalayaan nito sa pamamahayag.

Kasunod ito sa isyu na umano’y pangre-redtag ni dating NTF-ELCAC spokesperson Dr. Lorraine Marie Badoy sa mga grupong halata namang kasapi ng CPP-NPA-NDF.

Matatandaang ipinag-utos ng Supreme Court kay Badoy na sagutin sila kung bakit hindi siya dapat mai-cite in contempt ng hudikatura.

Nagpalabas ng show cause order ang Supreme Court para kay Badoy bilang tugon sa mga ulat na umano’y nire-red tag o nagbibigay ng masamang komento ang dating NTF-ELCAC spokesperson kay Judge Marlo Malagar dahil sa pag-dismiss nito sa proscription petition ng pamahalaan laban sa mga komunistang terorista.

Nitong Huwebes, November 17 nang inihain ni Dr. Badoy kasama si Atty. Harry Roque bilang legal counsel nito ang petisyon na naglalaman ng sagot hinggil sa show cause order na inilabas ng Supreme Court.

Follow SMNI NEWS in Twitter