Pagsuporta ng ilang presidential aspirants sa peace talks, pinalagan ng NTF-ELCAC

Pagsuporta ng ilang presidential aspirants sa peace talks, pinalagan ng NTF-ELCAC

PINALAGAN ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagsuporta ng ilang presidential aspirants sa peace talks.

Hindi sinang-ayunan nila Usec. Lorraine Badoy, Ka Eric at iba pang kinatawan ng ibat-ibang ahensiya ang naging desisyon ng apat na tumatakbo sa pagkapangulo na ibalik muli ang peace talks sa bansa.

Sa nakaraang Presidential interviews with Jessica Soho, isa sa naging tanong para sa mga aspiring Presidents na sina Vice President Leni Robredo, Mayor Isko Moreno, Ping Lacson at si Senator Manny Pacquiao, ay kung sang ayon ba ang mga ito na ibalik ang peace talks sa bansa.

Makikita ang tugon ng apat na aspiring president na kung saan pabor ang mga ito na ibalik ang peace talks, bagay na pinalagan ng mga tagapag salita sa nasabing presscon ng NTF-ELCAC ngayong araw.

Kaya para kay Usec. Badoy na isa sa tagapag salita ng NTF-ELCAC, dalawang bagay lang ang dahilan kung bakit gustong muling ibalik ng apat na kandidato sa pagkapresidente ang Peace talks sa bansa.

Dagdag pa ni Badoy na sa kasagsagan ng Peace talks dumarami ang mga napapatay na mga sundalo, kapulisan at maging ang sibilyan, maliban dito tumataas din ang bilang ng recruitment ng CPP-NPA-NDF sa mga kabataan.

Ani Badoy binibigyan lamang ng apat na tumatakbo sa pagkapresident ng pagkakataon na mas palakasin pa ang plataporma ng makakaliwang grupo na magpapabagsak ng tuluyan sa gobyerno.

 

SMNI NEWS