Pagsusulong ng Cha-cha para sa term extension, hindi makabubuti sa administrasyon—FPRRD

Pagsusulong ng Cha-cha para sa term extension, hindi makabubuti sa administrasyon—FPRRD

MAKAHULUGANG mensahe ang binitiwan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna ng patuloy na pagsusulong ng administrasyon ng Charter change (Cha-cha) para baguhin ang Saligang Batas.

Sa ngayon, lusot na sa Kamara ang Resolution of Both Houses No. 7 para amyendahan ang economic restrictions ng Konstitusyon.

Kung sakali namang matagumpay na mailusot ito, naniniwala si FPRRD na kasamang babaguhin ang term extension ng Presidente at iba pang halal na opisyal.

Kung ipipilit naman ni PBBM na palawigin pa ang termino, tulad ng kaniyang amang si Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., tiniyak ni Duterte na siya ang tatayo para kontrahin ito.

Ang pagsusulong naman ng Resolution of Both Houses No. 7 ay isinagawa matapos hindi makalusot sa mata ng publiko ang kontrobersiyal na People’s Initiative (PI) na ang nasa likod umano ay ang mga mambabatas sa Kamara.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter