Pagsusulong ng smart and sustainable communities, mas pinalakas ng DOST

Pagsusulong ng smart and sustainable communities, mas pinalakas ng DOST

MAS pinaigting pa ng pamahalaan ang hakbang para sa pagsusulong ng smart and sustainable cities sa Pilipinas.

Araw ng Lunes ay nagkaroon ng signing ng memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Science and Technology, Department of Information and Communication Technology, Department of Interior and Local Government at Development Academy of the Philippines para dito.

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, hinihikayat ng nasabing MOU ang pagkakaroon ng kooperasyon at kolaborasyon sa iba’t ibang programa ng gobyerno na nakatutok sa pagbuo ng smart and sustainable communities kung saan dadalhin sa mga local government unit ang mga mahalaga at kapaki-pakinabang na mga teknolohiya.

“Talagang ito ay panahon pa ni Mayor now Ambassador Bernard Dy ay talagang tinutukan na namin ito…. Ay krinaft namin ang program na ito,” saad ni Dr. Renato Solidum, Secretary, DOST.

Dagdag pa ni Solidum bukas ang maraming LGUs na maging bahagi ng smart and sustainable community.

Aniya, nasa 80 na LGUs ang naunang naghayag ng interes na maging bahagi ng nasabing programa.

Pero nilinaw rin ni Solidum, na bagamat madali lamang para maging bahagi ng smart and sustainable community ay mayroon pa rin itong kinakailangan na criteria para pasok dito ang isang LGU.

 “’Yung willingness to adopt a smart technology ay andun…. Ay meron sa DOST and also available din sa private sector,” dagdag ni Solidum.

Sa ilalim ng smart and sustainable communities program ay magrerekomenda ng partikular na teknolohiya ang DOST sa LGU batay sa kanilang nararanasang problema.

Ito ay marahil may kaugnayan sa transportasyon, trapik, suplay ng tubig at kuryente at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter