TILA walang epek sa Philippine National Police (PNP) ang pagiging atat na atat at pagpupumilit ni Sen. Risa Hontiveros na ikansela ang sinasabing mga pag-aaring baril ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ayon kasi sa senadora, may mga inaalagaang private armed groups Pastor Apollo kung kaya’t nararapat lamang aniya ito na alisan ng lisensiya ng mga baril at bawiin ang mga ito.
Sa panayam ng media sa Kampo Krame kay PNP PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, sinabi nitong wala silang rekord na may krimeng kinasangkutan si Pastor Apollo gamit ang mga baril na ito kasabay ng paggiit na wala ring private armed groups ang butihing pastor.
“Hindi natin alam ‘yung information with due respect kay Sen. Hontiveros, with respect doon sa sinasabi niya na private army ni Pastor Quiboloy. We don’t have any information on that. As to the question bakit hindi pa naca-cancel o nare-revoke ‘yung mga licenses and registration ng baril, meron tayong umiiral na batas, ‘yung RA 10591 at under Sec. 39 ay malinaw doon ‘yung mga grounds kung saan pupuwede natin i-revoke or i-cancel ng FEO ‘yung LTOPF at registration ng isang baril at isa nga diyan kung ikaw ay naka-commit ng isang crime involving the use of firearms, Commission of an offense under RA 9165,” pahayag ni Col. Jean Fajardo, Chief, PNP-PIO.
Habang malayo at walang kaugnayan ang pagkansela ng mga baril ni Pastor Apollo dahil maliban sa may maayos itong rehistro, hindi rin aniya ito sakop sa ipinupukol na mga kaso laban sa kaniya.
“Dito sa kaso ni Pastor Quiboloy na child abuse, sexual abuse and human trafficking, maaari siguro natin maituring ito ng mga crimes against moral turpitude pero malinaw ‘yung Sec. 39 ng 10591 na dapat conviction of crime involving moral turpitude, that can be a ground for revocation and cancellation ng LTOPF and registration but just the same ay kausap ko ‘yung chief ng FEO ay pinag-aaralan din nila ito. Of course, they will be coordinating with the NBI and DOJ who filed the cases because there is one provision there under Section 5 if a competent court will issue order for the revocation and cancellation of LTOPF and registration then it can be a ground for revocation,” dagdag ni Fajardo.
Sa isang panayam ng SMNI sa legal counsel ni Pastor Apollo na si Atty. Israelito Torreon ay sinabi nitong hindi totoo ang haka-haka ni Hontiveros na mayroong private armed group ang butihing pastor.
Sa kabilang banda, nauna nang nanindigan ang kampo ni Pastor Apollo na nanganganib ang buhay nito kung kaya’t pinili nitong hindi sumunod o sumuko sa mga nakaambang pag-aresto sa kaniya.
Sa panig ng PNP, patuloy rin anila ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kasamahan at abogado ni Pastor Apollo para sa kusang pagsuko nito sa mga awtoridad.