Pagsusungit ng isang BI officer sa mga banyagang papasok ng bansa, ‘di palalagpasin ng BI

Pagsusungit ng isang BI officer sa mga banyagang papasok ng bansa, ‘di palalagpasin ng BI

HINDI palalagpasin ng Bureau of Immigration (BI) ang nangyaring pagsusungit at pagmamaldita ng isang Immigration officer sa mga banyaga.

Ito ang inihayag ni BI spokesperson Dana Sandoval sa panayam ng SMNI News.

Ayon kay Sandoval, hindi dapat nagpapakita ng hindi magandang pag-uugali ang isang empleyado ng gobyerno sa mga dayuhan o sa mga kapwa Pilipino.

“Hindi po dapat ganyan ang attitude ng isang Immigration officer ma pa-foreigner o ma pa-Filipino, supposedly we abide by the concept of being BI cares courtesy, accountability, responsibility, efficiency and service.”

“Kasama po diyan yung maayos na public service kong sila po ay nag i-implement ng batas.”

“Maaari naman po nila itong gawin na professional manners.”

“Siguro po after the interviews, we will get the particulars of this case. Para ma call po natin ang attention ng Immigration officer nang mapaalalahanan ang kanyang role bilang isang public servant,” pahayag ni BI spokesperson Dana Sandoval.

Binigyang-diin din ni Sandoval na kung mapatutunayan ang ginawang ito ng naturang Immigration officer ay maaari itong makasuhan ng administratibo.

“Well if there are action po that unbecoming of a public servant po, that can be a reason po para makasuhan po administratively ang isa pong empleyado ng BI kung ang kanyang action po ay hindi nakakatulong sa imahe ng ahensiya bagkus nakakasama po.”

“Kaya po if may mga action siya detrimental po sa public service, then it will be a cause for the filling of a case against that person.”

“But definitely po this case po that person po, hindi natin ito papalagpasin. Immediately po tatawagin po natin yung attention ng kanilang chief para po maimbestigahan at mapaalalahanan din lalong lalo ng hindi lang po yung Immigration officer on will but also yung rin pong mga Immigration officer that might be forgetting kung ano po yung ating role as a public servant at maglingkod po dun sa ating mga bumabyaheng Pilipino at mga foreign nationals,” ani Sandoval.

Tiniyak din ni Sandoval sa publiko na patuloy ang kanilang pagpapaalala sa lahat ng empleyado ng BI sa mga alituntunin bilang isang public servant.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter