MAAARI nang tanggalin ang pagsusuot ng face mask kung mas mababa na sa 200 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang inihayag ni Dr. Rontgene Solante, vaccine expert panel ng Department of Science and Technology.
Aniya, ito rin ay kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa susunod na 2-3 buwan.
Dagdag pa ni Solante, malaking bagay ang pagsusuot ng face mask para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Nagbigay naman ng payo si Solante sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para malabanan ang COVID-19.