Pagsusuot ng face shield at face mask sa pampublikong transportasyon, simula na bukas

Pagsusuot ng face shield at face mask sa pampublikong transportasyon, simula na bukas

MULING nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng pasahero ng pampublikong transportasyon na obligado na ang pagsusuot ng face shield, bukod pa sa face mask simula bukas, Agosto 15.

Batay na rin ito sa kauutusan na nakapaloob sa DOTr Memorandum Circular 2020-014 na inilabas noong Agosto 3, 2020.

Ang nasabing kautusan na nilagdaan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng public transportation sa apat na sektor–ang aviation and airports, railways, maritime, at road transport.

Binigyaan-diin ng DOTr na ang mandatong pagsusuot ng face shield ay naglalayon ng karagdagan at kinakailangan mas mabisang proteksyon para sa mga pasahero, upang mas mabawasan ang panganib na pagkahawa at pagkalat ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.