Pagsusuot ng face shield ng mga empleyado, sisimulan sa Agosto 15 —DOLE

Pagsusuot ng face shield ng mga empleyado, sisimulan sa Agosto 15 —DOLE

NGAYONG darating na Agosto 15 ipatutupad na ang istriktong implementasyon ng pagsusuot ng face shield sa lahat ng manggagawa at empleyado sa buong bansa.

Bukod pa ito sa nakasanayan na istriktong pagsusuot ng face mask, pag-apak sa foot bath, pagkuha ng temperatura sa mga empleyado bago pumasok sa opisina.

Maliban dito, pinag-aaralan na din ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglilimita sa paggamit ng smoking area.

Para maiwasan ang pagdidikit-dikit na posibleng maging dahilan ng pagkalat ng sakit na COVID-19

Mas mainam ito ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, batay sa rekomendasyon ng IATF na bigyan ng pribadong oras ang isang indibidwal sa paggamit ng smoking area.

Paglilinaw ng kalihim, sasagutin ng employer ang gastos para sa face shield ng mga empleyado.

Para naman sa mga walang face shield na empleyado, pinapaalalahanan ang kompanya na huwag papapasukin sa opisina ang mga empleyado na bigong magsuot nito.

Pero sa parte ng employer na hindi susunod sa health protocols gaya ng nabanggit ay maaaring patawan ng penalty o hindi naman kaya ay pagsasabihan lang ito.

Wala rin sa resolusyon ng IATF na posibleng mapasara ang isang kompanya o opisina kung bigong makatupad sa nasabing bagong patakaran, kaya wala daw dapat na ipangamba ditto.

Mga barangay hinimok na magtayo ng sariling isolation unit

Samantala, hinimok ni DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng LGU na magtayo ng sariling barangay isolation unit.

Paraan ito para sa mabilis na koordinasyon ng publiko sa pagtukoy ng mga apektado ng COVID-19.

Ayon pa sa kalihim, mas magiging epektibo aniya ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para matukoy ang mga apektado ng COVID-19 kung may sapat na pasilidad sa barangay pa lang.

Suportado din ito ni COVID-9 Testing Czar Sec. Vince Dizon, aniya malaking tulong ito sa pamahalaan sa mas mabilis na contact tracing at pag-isolate sa mga tatamaan ng COVID-19.

Magugunitang si Dizon ngayon ang nangunuguna sa pagtukoy ng mga lugar na mapagtatayuan bilang quarantine facility na nagsisilbng extension unit sa mga ospital na aminadong kapos ngayon sa mga kama para sa mga pasyente ng COVID-19.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.