INIREKOMENDA ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng surgical mask sa halip na cloth masks sa mga lugar na may pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang interim recommendation ng World Health Organization (WHO) ay gumamit ang publiko ng surgical masks sa “high-risk settings” o mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 at ng mga bagong variant.
Gayunman, sinabi ni Vergeire na pinag-aaralan pa ng mga local experts na bahagi ng living clinical practice guidelines reviewers ng bansa ang rekumendasyon ng WHO.
Ayon sa Health official, ang medical-grade masks gaya ng surgical masks ay mas nagbibigay ng proteksyon dahil idinesenyo ito para i-filter ang mga organismo sa hangin.
Pero kung hindi naman aniya kakayanin ng komunidad ang surgical masks ay maari pa ring gamitin ang cloth mask.
Sa kasalukuyan ay patuloy na nakararanas ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang bansa.
Maglalabas ng polisiya ukol sa A2+1 vaccination
Samantala, nakatakdang maglabas ang DOH ng polisiya ukol sa A2+1 vaccination.
sa ilalim nito, ang mga senior citizen ay maaaring magdala ng isang kasama na makakatanggap din ng bakuna.
Ayon kay Health Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Veregire, ito ay para mahimok ang maraming senior na magpabakuna.
Gayunman, nilinaw ni Vergeire na dapat kasama sa bahay ng senior citizens ang kanyang isasama.
BASAHIN: DOH, nakahandang makipagdayalogo sa healthcare workers kaugnay sa kanilang kahilingan