Pagtaas ng alerto ng Bulkang Kanlaon, hindi isinasantabi ─PHIVOLCS

Pagtaas ng alerto ng Bulkang Kanlaon, hindi isinasantabi ─PHIVOLCS

MULA nang pumutok ang Bulkang Kanlaon noong a-nuwebe ng Disyembre ng nakaraang taon, sinabi ni PHIVOLCS Science Research Specialist Paul Alanis na tuloy-tuloy pa rin ang aktibidad nito.

Bukod sa tatlumpu’t pitong volcanic earthquakes na naitala, umabot din sa higit 3,600 na tonelada ang ibinuga nitong sulfur dioxide.

Habang umabot sa limandaang metro ang taas ng ibinubuga nitong makapal na usok.

Nananatili namang inflated ang malaking bahagi ng bulkan na, ayon sa PHIVOLCS, ay sinyales ng nagpapatuloy na banta nito tulad ng panibagong pagbuga.

Tuluy-tuloy din ang banta ng lava flow at ashfall sa palibot ng bulkan dahil sa usok na inilalabas nito, kaya’t nananatiling mapanganib ang pagpasok sa 6-kilometer radius.

Hindi naman isinasantabi ng ahensya na posibleng mangyari muli ang nangyaring senaryo nitong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon.

At kung magpapatuloy umano ang nasabing aktibidad ng bulkan, maaari itong ilagay sa alert level 4.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble