Pagtaas ng COVID-19 cases, pinangangambahan na rin ng mga pasahero sa NAIA

Pagtaas ng COVID-19 cases, pinangangambahan na rin ng mga pasahero sa NAIA

BOLUNTARYONG nagsusuot ng face mask ang mga ahensiya ng gobyerno at maging ‘yung mga nasa pribadong sector dahil sa napapabalitang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Pati nga mga pasahero, nag-aalala na rin kaya bilang proteksiyon kontra COVID-19, nagsusuot na rin sila ng face masks.

“Siyempre para maiwasan ang mga sakit at saka virus.”

“Kailangan lang talaga ng ganito.”

“Nandiyan talaga ang pangamba,” ayon kay Jonard, pasahero papuntang Japan.

“Yes of course kasi ano din ako health worker.”

“Dahil nga ‘yan di ba sa pumapasok na news na sabi niya babalik daw ang ano, ‘yung may COVID na another variant so kaya nagfa-face mask for protection din,” ayon kay Edelyn, pasahero papuntang Hong Kong.

“Opo meron po kasi nga siyempre hindi natin alam kung meron ba o wala kasi ‘yung mga taong nakakahalubilo natin, kaya kailangan may proteksyon,” wika ni Imelda, pasahero papuntang Hong Kong.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na wala pa ring siyentipikong batayan para sa travel restrictions sa anumang bansa sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ang DOH ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa international health authority’s para ma-monitor ang galaw ng virus.

Patuloy ring nagbabantay ang Bureau of Quarantine sa points of entry sa buong bansa habang naka-heightened screening partikular na sa mga dumarating na mga pasahero galing sa ibang bansa.

Wala ring karagdagang entry forms o procedures na kailangan maliban na lamang sa nasa etravel.gov.ph website o egovph app.

“There is still no scientific basis for travel restrictions to any country because of an increase in COVID-19 cases. The department remains to be in close coordination with international health authorities. Its Bureau of Quarantine is keeping close watch over points of entry nationwide, as demonstrated by the latest instructions for heightened screening. There are no additional entry forms or procedures required beyond what is now in the etravel.gov.ph website or egovph app,” pahayag ng DOH.

Ipinag-utos na rin ni MIAA General Manager Eric Ines sa housekeeping providers na isama sa pag-disinfect ang dinadaanan ng mga dalang bagahe at iba pang item ng mga pasahero tulad ng check-in counters, immigration counters pati na rin ang mga plastic trays na ginagamit ng mga pasahero sa kanilang mga luggage sa final security screening at marami pang iba.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble