Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Malaysia sakaling ipagdiwang ang Hari Raya, ikinababahala ng eksperto

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Malaysia sakaling ipagdiwang ang Hari Raya, ikinababahala ng eksperto

NAGBABALA ang isang eksperto sa bansang Malaysia na maaaring tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa sakaling ipagdiwang ang Hari Raya.

Ito ang iniugnay ni Universiti Kebangsaan Malaysia (UKM) Professor of Public Health Dr. Sharifa Ezat Wan Puteh sa malaking bilang ng mga Malaysian national na uuwi para ipagdiwang ang Hari Raya, mababang booter shot rate at mabagal na paggamit ng bakuna para sa mga kabataan.

Ayon kay Sharifa, ang Omicron variant ay mataas ang transmissibility at hindi pa aniya 100% epektibo ang COVID-19 vaccine laban dito kung kayat ibinabala nito na maaaring tumaas ang kaso pagdating ng holiday season sa Malaysia.

Sinabi niya na aabutin ng isa pang tatlong buwan para humupa ang mga kaso kung may spike pagkatapos ng Hari Raya.

Sa ngayon, pinapahintulutan na ng gobyerno ang mga Malaysian para sa balik Kampung upang ipagdiwang ang Hari Raya ngayong taon matapos ang dalawang taon simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Samantala, matatandaang nagbigay ng babala ang World Health Organization tungkol sa Omicron Xe – isang mutant hybrid ng Omicron BA.1 at BA.2.

Follow SMNI NEWS in Twitter