Pagtalakay ng Senado sa RBH 6, tiniyak na tututok sa economic provisions ng Konstitusyon

Pagtalakay ng Senado sa RBH 6, tiniyak na tututok sa economic provisions ng Konstitusyon

TINIYAK ng mga senador na tututukan lamang ng kanilang sub-committee na tatalakay sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 ang economic provisions sa Konstitusyon.

Ngayong araw ng Lunes, Pebrero 5, 2024 ang nakatakdang pagtalakay sa naturang panukalang batas na pangungunahan ni Sen. Sonny Angara.

Kasama ni Angara bilang isa sa mga may-akda ng RBH 6 sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Naghain din ng kaparehong resolusyon o ang RBH No. 1 si Sen. Sherwin Gatchalian.

Una na ring sinabi ni Gatchalian na hindi nila tatalakayin ang political amendments dito tulad ng paghaba ng termino, pagtanggal ng term limits, pagpapalit ng mula sa bicameral ay magiging unicameral na at iba pa.

Kabilang din sa mga inimbitahan ng Senate panel sina dating Chief Justice Renato Puno, dating Chief Justice Hilario Davide, Jr. mga dating mahistrado na sina Justice Antonio Carpio, Artemio Panganiban, Vicente Mendoza, at Adolfo Azcuna;

Dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Atty. Christian Monsod, dating COMELEC Commissioner Rene Sarmiento, Integrated Bar of the Philippines National President Antonio Pido at iba pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble