HULYO 1950 sa administrasyon ni dating Pangulong Elpidio Quirino nabuo ang National Security Council (NSC) o Executive Order No. 330.
Ang NSC ay isang sangay ng gobyerno na naglalayong mabigyan ng abiso at rekomendasyon sa pangulo ng Pilipinas kaugnay sa kasalukuyang estado ng seguridad at depensa ng bansa.
Binubuo ito ng presidente ng bansa, bise presidente, senate president, speaker of the House of Representatives at iba pa na may kinalaman sa depensa at seguridad.
Kaugnay rito, naging tradisyon na rin sa NSC na mananatiling miyembro ng nasabing ahensiya ang mga dating pangulo ng bansa dahil sa kanilang kakayahan at karanasan na labanan ang banta sa seguridad ng Pilipinas.
Sa paglipas ng mga nagdaang administrasyon ay makailang beses na rin naiba ang komposisyon ng NSC.
Ngunit sa panahon ngayon ni Bongbong Marcos Jr. na yata ang may kakaibang pagbabagong ginawa sa NSC.
Dahil nito lang nakaraan ay naglabas ng Executive Order No. 81 ang Palasyo na nag-uutos na tanggalin bilang miyembro ng NSC ang bise presidente at ang mga dating pangulo ng bansa bagay na pinalagan ng ilang personalidad at kritiko ng kasalukuyang administrasyon.
Pagtanggal kay VP Sara at FPRRD sa NSC politika lang—Atty. Panelo
Para sa dating Chief Presidential Legal Counsel ng Duterte administration at batikang abogado na si Atty. Salvador Panelo, normal lang na magkaroon ng pagbabago sa NSC ngunit ang tanggalin bilang miyembro nito ang pangalawang pangulo at ang mga dating pangulo ng bansa ay malinaw na politika lang.
“But never sa re organization na tinanggal ang bise presidente, for 74 years nandun ang vice president sa National Security Council and for 37 years nandun ang living presidents tapos suddenly tatangalin nyo tapos sasabihin mo re organization? Eh ano bang tawag mo don, e ‘di politika,” wika ni Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.
Paliwanag nito, dapat hindi ito ginawa sa NSC dahil kung seguridad na ang pag-uusapan, dapat aniya ay nagkakaisa ang bawat Pilipino tuwing may banta sa ating bayan.
“Alam po ninyo kailangan ng presidente ng bansa ang talino, ang kahusayan, ang karanasan, ng mga taong makakatulong sa seguridad, ang sabi eh kasi kalaban ‘yan, kahit na kalaban sa politika the National Security Council must go beyond political boarders, hindi pupwedeng kasi seguridad ng bansa ang pinag-uusapan kahit magkalaban tayo sa politika hindi tayo nagkakaintindihan, pagdating dun Pilipino tayo pare-pareho, kailangan magkaisa tayo dito hindi yong tatangalin mo,” ani Atty. Panelo.
Pagtanggal kay VP Sara at FPRRD sa NSC, may kumpas sa Amerika—geopolitical analyst
Iba naman ang tingin dito ng isang geopolitical analyst na si Professor Herman “Ka-Mentong” Laurel.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI News, sinabi nito na ang naging hakbang ni Marcos Jr. na tanggalin sa NSC ang mga Duterte ay malinaw na kumpas ng Amerika.
Aniya, nais ng mga Amerikano na matanggal sa kapangyarihan ang mga lider ng Pilipinas na nais ng independent foreign policy, maging ang mga kaalyado umano ng Marcos administration na kilalang panig sa kaliwang grupo ay natutuwa sa pagtanggal sa mga Duterte sa NSC.
“Ang mga Amerikano of course matutuwa ma-isolate ‘yong mga nagtataguyod ng independent foreign policy sila Sara sila Digong at ‘yong mga kahanay nila but ‘yong mga kakampi mga kampon nina Bongbong Marcos, sila Martin Romualdez sa Kongreso matutuwa rin kasi kasama nila sina Brosas, France Castro, sila Paduano sa Kongreso,” ayon kay Prof. Herman “Ka-Mentong” Laurel, Geopolitical Analyst.
Ito aniya ang nais ng Amerika na mangyari sa Pilipinas, ang magkagulo at manatiling mahirap ang ating bansa, bagay na pinahintulutan aniya ni BBM.
“Malinaw na malinaw ‘yon naman po ang laging strategy ng mga Amerikano at ‘yong kanilang mga proxies bago umakap si Bongbong Marcos sa mga Amerikano ay nagkakaisa ang taong bayan, naka-focus tayo sa economic development and recovery from COVID-19 crisis.”
“Were losing economic advantages at and going into this chaotic itong magulong politika na divisive na ginagawa ng Bongbong Administration ngayon,” saad pa ni Laurel.
Ngunit para sa dating kadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz, kailangan ipaliwanag ni Bongbong Marcos Jr. kung bakit niya tinanggal sa NSC ang mga Duterte at ibang dating pangulo kagaya nina former President Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pangulong Joseph Estrada.
Sinabi pa ni Celiz na dapat aniyang ilatag ni BBM sa publiko ang kaniyang mga naging batayan kung bakit inalis sa komposisyon ng NSC ang mga nabanggit na indibidwal.
Pagtanggal kay VP Sara at FPRRD sa NSC, kahalintulad ng ginawa ni Marcos Sr. bago magdeklara ng Martial Law—former kadre
“Mr. Marcos needs to explain to the people why is he removing Sara Duterte from the composition of the National Security Council at pati si former President Rodrigo Duterte among others, anong batayan nito, ano ang kanyang sandigan at salalayan, is there categorical national intelligence report that Sara Duterte and Rodrigo Duterte are now considered individual who are threats to our national security? And are they considered enemies of the people and enemies of the state?” ayon kay Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Former Intel Officer, CPP-NPA-NDF.
Sa kaniyang social media account, sinabi ni Celiz na ang ginawa ni Marcos, Jr. ay kahalintulad ng ginawa ng kaniyang ama bago magdeklara ng Martial Law.
“Si Fernando Lopez ay tinanggal ni Marcos Sr. bilang bahagi sa security council sapagkat may nakikita na pa lang direksyon ang tatay noon ni Marcos Jr. na magbubuo siya ng authoritarian na pag-aari similar sa isang diktadora o ang tinatawag niyang ‘constitutional dictatorship’ na kung saan ang sentro ng kanyang pamumuno sa pamahalaan ay nakasandig sa pagpapatupad ng Martial Law o Batas Militar so para hindi magkaroon ng political opposition sa strategic direction ni Marcos Sr. ang kanyang unang ginalaw ay ang pag-reorganized ng NSC,” giit ni Celiz.
Dagdag pa nito, magkakaroon aniya ng magandang pagkakataon ang komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF na rumesbak at magpalakas dahil sa nangyayari ngayon sa NSC.
“So ang epekto nyan mas gaganda ang pagkakataon ng CPP-NPA na mag-rebound at mag-recover because hindi maganda ang nangyayari sa ating national security programs at national security directions and policies,” ayon pa kay Jeffrey Celiz.
Sa ngayon, ay wala pang reaksiyon ang mga Duterte at maging si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo patungkol sa nasabing hakbang ni Marcos Jr.
Matatandaan na nauna nang inamin ni VP Sara na mula nang maupo siya bilang pangalawang pangulo ay ni-isang beses ay hindi siya inimbitahan ng NSC sa kanilang mga pagpupulong bagay na ipinagtataka nito.