NARARAPAT lang na hindi bigyan ng political asylum ng Timor-Leste si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves, Jr.
Ito ayon kay dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.
Ani Roque, ang political asylum ay para sa mga tao na nilisan ang sariling bansa dahil sa pang-aapi na may kaugnayan sa politika.
Ipinunto pa ni Roque na hindi masasabi ni Teves na inaapi siya kaugnay sa politika dahil murder ang kaniyang kinakaharap na kaso sa bansa.
Sa huli, sinabi ni Roque na bilang mambabatas, ang hakbang na ginawa ni Teves na hindi pagsunod sa batas ay hindi magandang ehemplo sa publiko.
Sa ngayon ay binigyan ng 5 araw ng Timor Leste si Teves para umalis sa kanilang bansa matapos tanggihan ang aplikasyon nito para sa political asylum.