HINDI umubra sa Senado ang contempt ruling ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy matapos tumutol dito si Sen. Robin Padilla.
At kung tuluy-tuloy na papanigan ng mayorya ng komite ni Hontiveros ang objection ni Sen. Padilla ay hindi mapapatawan ng contempt ang butihing Pastor.
Gustong-gusto ni Hontiveros na ma-contempt at maaresto ang butihing Pastor dahil sa pang-iiisnab aniya nito sa imbestigasyon ng kaniyang komite.
Sa mga abogado gaya ni US Pinoy for Real Change in the Philippines Chairperson Atty. Arnedo Valera na nakabase sa Amerika, suportado nito ang hindi pagsipot ni Pastor Apollo sa imbestigasyon sa Senado.
Tama lang aniya ang ginawa ni Pastor Apollo, dahil hindi naman korte ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
“Kami, tayong lahat, ay nakikiusap sa kanila na itigil ang pagdinig na ito. Na igalang ang hanggang na nagpapanatili ng demokratikong himaymay. Itigil ang panggigipit kay Pastor Apollo Quiboloy at SMNI,” ayon kay Atty. Arnedo Valera, Chairperson, US Pinoy for Real Change in the Philippines.
“Hindi po ang Senado, ang may kapangyarihan na mag-iimbestiga, at talaga kung sino ang may sala o wala. ‘Yan po ang saklaw at nasa kapangyarihan ng ating hukuman,” wika pa ni Atty. Valera.
“Tama po ang posisyon ni Pastor Apollo Quiboloy,” aniya.
At kagaya ng mga miyembro at tagasuporta ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa prayer rally, hustisya ang sigaw nito para kay Pastor Apollo.
Samantala, isa pa sa muling dumating sa prayer rally ng Laban Kasama ang Bayan sa Liwasang Bonifacio ay ang OFW Advocate na si Astra Pimentel-Naik na may say din sa ginagawang Senate investigation laban sa butihing Pastor kung saan kaisa ito ng KOJC sa panawagan na mabigyan ng hustisya si PACQ.