Pagtatag ng Department of Fisheries, ipinanawagan ng isang grupo

Pagtatag ng Department of Fisheries, ipinanawagan ng isang grupo

 

NANANAWAGAN ang isang grupo sa pamahalaan para sa pagtatatag ng Department of Fisheries upang mabisang matugunan ang mga isyu ng mangingisda.

Ayon kay Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) President G. Edicio Dela Torre na ang paglikha ng departamento ay tutugon sa mga isyu at alalahanin ng mga mangingisda kabilang ang overfishing ng China sa West Philippine Sea (WPS) at pagpang-harass sa mga mangingisdang Pilipino.

Binanggit din ni Dela Torre na isa sa mga pangunahing problema ng mga mangingisda ay ang sobrang pangingisda ng mga sasakyang pandagat ng China sa WPS dahilan na ang ating mga mangingisdang Pilipino ay nakakakuha ng mas kaunting isda.

Isinusulong din ng grupo ang  pagpatutupad ng “archipelagic principle.”

Nangangahulugan ito na “ang isang kapuluan ay dapat ituring bilang isang yunit, upang ang mga tubig sa paligid, pagitan, at nag-uugnay sa mga isla ng kapuluan, anuman ang kanilang lawak at sukat, ay bahagi ng panloob na tubig ng estado, at napapailalim sa eksklusibong soberanya nito.

Nais din nilang bigyang pansin ang paksa ng pangingisda bilang prayoridad sa mga munisipalidad.

Napansin sa maraming mga coastal municipalities o lungsod sa Pilipinas, halos walang munisipalidad na mayroong fishery technician o municipal agricultural officer na may kursong fisheries.

Follow SMNI News on Twitter