Pagtatapon ng dumi ng tao sa West Philippine Sea, pinabulaanan ng DND

Pagtatapon ng dumi ng tao sa West Philippine Sea, pinabulaanan ng DND

PINABULAANAN ng Department of National Defense (DND) ang kumakalat na lawaran sa social media na nagpapakita diumano ng tahasang pagtatapon ng human waste o dumi ng tao ng mga hindi pa nakikilalang barko sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, isang malaking panlilinlang ito sa ginawang report ng isang US based geospace imaging firm na Simularity.

Nabatid rin na ang nasabing larawan ay kuha pa noong taong 2014 sa Australia Great Barrier Reef ayon pa sa kalihim.

“We have taken note of the news circulating online about the alleged dumping of wastes in the South China Sea. However, the photo of a ship seen dumping waste accompanying the report was found to have been taken in the Australian Great Barrier Reef in 2014. Therefore, this intent to mislead has cast great doubt on the accurateness of the Simularity Report,” pahayag ni Lorenzana.

Bagay na sinegundahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin na hindi totoo ang balita at isa itong fake news kung saan una na itong lumabas sa ilang istasyon ng media sa bansa.

Ayon pa kay Lorenzana, kwestiyunable ang report ng Simularity na nakabase lamang sa satellite photos.

“We also question the conclusion reached by Simularity from just looking at satellite photos,” saad ni Lorenzana.

Ngunit kung totoo man aniya ito, itinuturing ng pamahalaan na isang malaking paglabag ito sa marine ecology hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong rehiyon.

Pero ayon sa Tweet post ng Simularity, ang ginamit na larawan sa ginawang presentasyon ni US geospatial firm Simularity co-founder and CEO Liz Derr, ay hindi tinukoy kung  mga barko nga ba ng China ang nasa likod ng nakitang imahe sa satellite imaging nito.

Pero, matagal na rin nilang nakikita ang mga barko ng China na pumapasok sa Philippine Economic Zone simula pa noong 2016.

Sa kabilang banda, agad na inabisuhan ng Defense Department ng bansa ang western command sa bahagi ng WPS upang alamin at siyasatin ang nasabing alegasyon.

“Be that as it may I have directed the Western Command who has jurisdiction over the WPS to verify and investigate,”ani Lorenzana.

Kasabay ng paalala ng kalihim sa mga kalapit nitong bansa sa rehiyon ng Asya gaya  ng China, Brunei, Vietnam at iba pa na maging  responsable lalo na sa pangangalaga ng bawat nasasakupang kalikasan para sa kapakinabangan ng lahat.

“While we are confirming and verifying these wastes being dumped in the WPS, we consider such irresponsible acts, if true, to be gravely detrimental to the marine ecology in the area. Despite conflicting claims and interests by states in the South China Sea, all nations must be responsible stewards of our natural resources and environment,” ani Lorenzana.

Nauna nang tinawag ang atensiyon ng tanggapan ng DENR kaugnay dito.

Ayon sa kagawaran, agad silang makikipag-ugnayan sa DND at Philippine Coast Guard (PCG) upang malaman ang totoong kaganapan sa WPS.

Sakali man anila na makumpirma ang nasabing alegasyon, agad ding hihimukin ang DFA na magpalabas ng diplomatic protest laban sa China bilang pagkondena sa nasabing paglabag.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.